Workshop para sa Kapaskuhan 2018
Lunes, Disyembre 17 - Sabado, Disyembre 22, 2018 | 10:00 am - 3:45 pm
Ospital ng mga Bata ng Lucile Packard Stanford - West Building
Magrehistro na
Magbigay muli ngayong kapaskuhan sa pamamagitan ng pagdiriwang kasama ang Packard Children's! Kailangan ang mga laruan para punan ang silid-laruan, sa tabi ng kama para hikayatin ang paglaki at pag-unlad, at magsilbing positibong pang-abala sa panahon ng isang nakakatakot na operasyon. Ipapamahagi ang mga laruan tuwing kapaskuhan at sa buong taon—kaya hindi titigil ang kasiyahan!
Mga paraan para makilahok:
- Sumali sa aming Virtual Toy Drive para maihatid ang regalo ng paglalaro sa aming mga pasyente; 100 porsyento ng mga donasyon ay mapupunta sa Fun Fund, na nagpapahintulot sa aming mga Child Life Specialist na bumili ng mga pasadyang regalo para sa bawat pasyente.
- Magplano ng Toy Drive.
- Mag-organisa ng isang offsite volunteer session upang lumikha ng mga Activity Kit para sa mga pasyente at kapatid. Hanapin ang ilan sa aming mga paboritong ideya dito.
Pagkatapos makumpleto ang inyong proyekto, pumunta sa aming Holiday Workshop upang mag-iwan ng mga donasyon, kumuha ng mga litrato, at tumanggap ng isang maliit na tanda ng pasasalamat mula sa amin! Para lumahok o matuto nang higit pa, bisitahin ang championslpch.org/holidays o makipag-ugnayan kay Anne Marie sa AnneMarie.Angeles@lpfch.org.
